Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Duda sa Alden-Maine relasyon

Duda sa Alden-Maine relasyon

ALDEN-MAINE 2 copy copy

Marami pa rin ang hindi kumbinsido na for real na ang relasyon nina Alden Richards at Maine Mendoza. May mga nagdududang scripted lang ang pagsagot ni Maine kay Alden on national TV. Na kesyo, pampakilig lang nila ‘yun sa kanilang fans and supporters.

Baby girl at baby boy pa ang tawagan nila sa isa’t isa. Whether for real or for reel lang ang relasyon nina Alden at Maine, sila lang ang nakakaalam sa totoong nararamdaman nila para sa isa’t isa.

One thing sure is, magkakaroon ng teleserye sina Alden at Maine. Ayon kay Ms. Annette Gozon-Abrogar (GMA Films president), since July this year ay pinag-iisipan na ng GMA7 ang pagtatambalang project ng dalawa. Since unang teleserye ito nina Alden at Maine, ayaw itong madaliin ng management, ayon kay Ms. Annette.

Ayon pa kay Ms. Annette, walang intensiyon ang Kapuso Network ipareha si Alden sa iba, maliban kay Maine. Kaya pala, naudlot ang pagtatambal nina Alden at Jennylyn Mercado sa “My Love from the Stars.”

Incidentally, malapit nang i-release ng GMA Records ang bagong album ni Alden. Ang bago niyang kantang “Rescue Me” mula sa bago niyang album ay ipinarinig na sa listeners ng “Wanted Sweethearts” ng Bgy. LS-FM.

Excited

May bago ring album si Jennylyn Mercado at mas excited pa sa kanya ang boyfriend niyang si Dennis Trillo. Kung pakiyeme si Jennylyn pag-usapan si Dennis, go lang nang go ang actor.

Sabi ni Dennis, hindi na siya makapaghintay sa album launch ni Jennylyn.

“Maganda siya at excited ako marinig ng maraming tao dahil sa lahat ng nagawa niyang album, ito ‘yung pinaka-paborito ko,” pahayag ni Dennis.

Exclusively dating

Exclusively dating sina Benjamin Alves at Julie Anne San Jose. Sabi ni Benjamin, dumating sa buhay niya si Julie Ann sa tamang panahon. Excited na nga raw ang pamilya niya na makita at makilala in person si Julie Anne. Naka-base abroad ang pamilya ni Benjamin at siya lang ang solong naninirahan dito sa Pilipinas.

Ani Benjamin, regular siyang nagse-share sa parents niya ng pictures nila ni Julie Anne. Alam daw ng mga ito ang lahat ng nangyayari sa kanilang dalawa. “Everything happens for a reason. Everything happens at the right time,” wika pa ni Benjamin.

Mukhang tinamaan talaga si Benjamin kay Julie Anne. First time siya umamin na exclusively dating sila. First time rin sinabi ni Benjamin na gustong makilala ng pamilya niya si Julie Anne.

Dati kasi, pa-fall (paasa) si Benjamin. Na-link siya kina Max Collins, Kylie Padilla at Glaiza de Castro. Pero walang sinabi si Benjamin na idine-date niya ang kahit sino sa tatlo.

And more

Ipinalabas ang teaser ng “Alyas Robin Hood” on August 29 and four days after its release, umabot sa one million likes sa Facebook ang controversial topic on-line dahil sa fan-made poster nito. Sa September 19 ang pilot telecast ng ARH na bahagi ng SeptemBest offering ng GMA7.

Sa “Encantadia,” ipatatapon si Danaya (Sanya Lopez) sa mundo ng mga tao. Sasabihin niya kay Aquil (Rocco Nacino) na hindi niya magagawa ang ipinaparatang sa kanya.

Magkakaroon ng first-ever major concert ang Top One Project (T.O.P.) on October 28 sa Music Museum.

comments