Home » News » News Roundup » 2 lalaki dedo sa QC shootout

2 lalaki dedo sa QC shootout

Dalawang lalaki na may dalang marijuana at shabu ang napatay nang makipagbarilan sa mga pulis sa isang checkpoint sa Quezon City kahapon ng umaga.

Ayon sa police report, kasalukuyang nagsasagawa ng Oplan Sita checkpoint ang mga tauhan ng La Loma Police Station (PS-1) bandang 1:10 a.m. sa kanto ng Sto. Domingo at Amoranto Street sa Brgy. Sto. Domingo nang mamataan nila ang paparating na tricycle sakay ang dalawang lalaki.

Nang pinahihinto ng mga pulis ang tricycle para sa inspection, bilang bumuwelta ang mga suspek palayo sa mga alagad ng batas.

Hinabol ng motorcycle cops ang mga suspek, ngunit bumunot ng baril ang isa sa mga suspek at pinaputukan ang mga pulis.

Gumanti ang mga alagad ng batas at napatay ang dalawa. Nakuha sa mga napatay na suspek ang dalawang .38-caliber revolvers, isang plastic sachet na naglalaman ng marijuana, apat na pakete ng shabu, at isang pink bag na naglalaman ng mga personal na gamit.

Inaalam pa ng police ang pangalan ng dalawang napatay. (Vanne Elaine P. Terrazola)

comments