Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » BB posts more sexy pics

BB posts more sexy pics

bb copy copy

Balik-“Eat Bulaga” na si Paolo Ballesteros matapos ang six months suspension na iginawad sa kanya ng Tape Inc. Join na uli siya kina Jose Manalo, Wally Bayola at Maine Mendoza sa “Juan for All, All for Juan” segment.

Mabuti pa si Paolo nakabalik sa “Eat Bulaga.” Si Keempee de Leon ay tinanggal na aniya sa post niya sa social media, clueless siya kung bakit. Alam namin ang dahilan dahil isang insider ang nakausap namin. Pero ipina-off-the record nito, kaya sorry, hindi namin pwede i-share ang nalaman naming dahilan.

Ayaw paawat

Ayaw talaga paawat si BB Gandanghari sa pag-post ng kanyang sexy pictures sa social media. Matapos ang nude photo niya na nakadapa si BB sa isang beach resort, pa-girl na naman ang sexy photo ni BB na ipinost niya noong nakaraan niyang birthday (September 4).

Golden girl na si BB, pero feeling na sa teens or 20’s pa lang siya sa suot niyang two-piece swimwear with matching stripes knee-high socks. May caption pa si BB na #nomakeup #nofilter #nophotoshop.

Wala na talagang magagawa si Robin Padilla kundi tanggapin at irespeto na lang ang bago niyang “sister.” Nag-file pa si BB ng formal petition sa USA para maging official Binibini Gandanghari na ang kanyang pangalan. Tila nagpa-sex change na rin siya. Talagang pinatay na niya sa puso’t isipan niya si Rustom Padilla.

Naalala namin si Rustom sa guesting ni Carmina Villarroel sa “Gandang Gabi Vice.” Sinabihan niya ang husband niyang si Zoren Legaspi na ayaw na niyang pag-usapan ang nakaraan. Naikuwento kasi ni Zoren kay Vice Ganda na ayaw daw noon ni Carmina ng seryosong relasyon o commitment dahil kagagaling lang nito sa isang relasyon. Obviously, ang ex-husband ni Carmina, “the late Rustom Padilla” ang tinutukoy ni Zoren.

Just curious, ano kayang reaction ni Carmina sakaling nakikita niya ang sexy photos sa social media ng “namayapa” niyang ex-husband? Mas girl na girl, mas sexy at mas daring pa ito sa kanya. ‘Kaloka!!!

26th apo

Pang-26th apo na pala ni Mommy Eva Carino-Padilla ang baby girl na isisilang ng daughter-in-law niyang si Mariel Rodriguez-Padilla. Maria Isabella ang ipapangalan ng mag-asawang Mariel at Robin Padilla sa kanilang panganay.

Mariel is due to give birth in November at sa America siya manganganak. Next month ay pupunta na siya roon at sasamahan siya ng kanyang sister. Hopefully, mabigyan na ng US visa si Robin para makasama o makasunod siya sa USA.

Hindi magkasabay

Hindi magkasabay umuwi ng Pilipinas sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo matapos silang mag-show sa New York.

Naging bahagi ang dalawa sa ASAP show doon para sa mga Pinoy na naka-base sa NY.

Nag-promote na rin sina Daniel at Kathryn ng movie nilang “Barcelona: A Love Untold.” Naunang bumalik sa Pilipinas si Daniel para mag-promote ng movie nila ni Kathryn. From New York, tumuloy naman si Kathryn sa Thailand with her mommy Min. May commercial shoot doon si Kathryn para sa isang brand ng shampoo.

Sa September 9 ang balik sa Pilipinas ni Kathryn and her mom. Magiging abala naman siya sa promotion ng “Barcelona: A Love Untold” kasama si Daniel. Three weeks silang nag-shoot sa Barcelona, Spain na anila, gusto nilang bumalik doon dahil sobrang ganda ng lugar.

comments