Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Bite My Dust nalo sa JRA Cup

Bite My Dust nalo sa JRA Cup

8karera copy

Impresibo ang naging panalo ni Bite My Dust sa 2016 JRA Cup noong Linggo sa MetroTurf kahit na medyo atrasado pa ito sa kanyang salida sa simula ng karera.

Pero napagtiyagaan ito ng regular rider nitong si Jesse Guce kung kaya’t hindi nito inalintana ang remateng ginawa ng kanyang nakalabang magka-coupled entry na sina Absoluteresistance at Brennero para manalo sa highlight event ng Japan Racing Festival doon sa Malvar, Batangas.

Isang tropeo at first prize na P300,000 ang tinanggap ni Tony Tan para rin sa kanyang co-owner na si Dr. Nick Cruz habang binigyan din ng mga tropeo sina jockey Guce at ang trainer na si Ruben Tupas ni JRA chief representative Hiroyuki Koezuka, na siyang special guest ng host Metro Manila Turf Club sa naturang pagtitipon.

Binigyan ng premyong P112,500 at P62,500 para sa segundo at tersero ang coupled entries ni dating Mayor Benhur Abalos Jr. habang ang pang-apat na si Guanta Na Mera ni Atty. Narciso Morales ay nakasalba ng P25,000. Ang iba pang nagsidatingan ay sina Fun Fest Day, Kundiman, Aerial, ayon sa pagkakasunod.

comments