Home » Entertainment » Tom gives his best to two new shows

Tom gives his best to two new shows

7tom copy copy

The whole week nang napapanood ang Kapuso leading man Tom Rodriguez sa GMA-7.

From Monday to Friday ay bida siya sa GMA primetime teleserye na “Someone To Watch Over Me.”

Tuwing Sabado naman ay kasama niya ang Internet sensation na si Balang hosting the show #LIKE Tagisan Ng Internet Sensations sa kunsaan-saang lugar sa Pilipinas.

Linggo na lang daw ang pahinga ni Tom, pero nasisingitan pa ito ng mga guestings at personal appearances.

Ready naman daw sa pagod si Tom dahil enjoy siya sa mga ginagawa niya ngayon.

“I am just thankful that I get to do different things on TV.

“Hindi lang isang talent ang nakikita nila sa akin. I can do pretty much a lot of things.

“Ini-enjoy ko lang po silang lahat because it makes me feel good as a performer,” masayang pahayag pa ni Tom.

Ayaw nga raw isipin ni Tom na mape-pressure siya sa kanyang mga trabaho, lalo na sa pag-please sa mga manonood.

Ang importante raw ay binibi-gay niya ang kanyang best sa anumang trabaho na ibigay sa kanya, mapa-acting man o hosting.

“Para sa akin po, I’m excited definitely. Kung ‘yung pressure iisipin ko, hindi siya makakatulong.

“Whatever naman that’s given to me, kahit alam ko pa ‘yun gawin or hindi, or bago sa akin.

“Tina-try ko na lang gawin kung anong makakaya ko, kung anong best ko, kasi that’s what I can give, e.

“Sa manonood man siya, sa tao, sa mga press, or ano. Kung sino man magkakaroon ng opinion, whether positive or negative, hindi ko naman po mako-control ’yun.

“‘Yung mako-control ko lang po is kung ano ang kaya ko magawa, kaya ko maibigay.

“For me, ang iniisip ko is to do the best that I can do,” pagtapos pa ni Tom Rodriguez. (Ruel J. Mendoza)

comments