Home » News » News Roundup » New Roundup » Regional » 20 baril nasabat ng PCG

20 baril nasabat ng PCG

Nasabat ng tauhan ng Philippine Coast Guard ang 20 units ng .45 caliber pistols mula sa isang pasahero sa port ng Masbate kahapon.

Ayon kay PCG spokesman Commander Armand Balilo, ang mga naturang handguns ay nakumpiska buhat sa isang Celso Manleon kahapon ng umaga.

Walang sapat na papeles na maipakita umano si Manleon nang isakay nito ang mga nasabing baril sa isang passenger bus na sakay naman ng roll-on/roll-off (Roro) vessel mula Cebu.

Agad naman na isinuko ng coast guard station ng Masbate si Manleon at ang mga baril sa Philippine National Police upang sumailalim pa sa mas masusing imbestigasyon.

Heightened alert hanggang sa kasalukuyan ang mga tauhan ng coast guard simula noong ipag-utos ito ni PCG Commandant Admiral William Melad noong isang linggo. (Argyll Cyrus B. Geducos)

comments