Home » Entertainment » Inah de Belen, excited for her first Kapuso teleserye

Inah de Belen, excited for her first Kapuso teleserye

8inah de belen instagram copy

Sa mga hindi nakakaalam ay may ginawa nang TV show noong 2005 si Inah de Belen sa dating QTV 11 channel ng GMA-7.

Ito ay ang show na “Candies” kunsaan nakasama pa niya sina Winwyn Marquez at Ynna Asistio. Inah Estrada pa ang ginagamit niyang name noon.

Pero noong matapos ang naturang show after one season ay tumigil muna sa pag-aartista si Inah para tapusin ang kanyang pag-aaral.

Now in her early 20’s, nagbabalik na si Inah de Belen para maging bida na sa bagong aabangan na teleserye ng Kapuso network titled “Oh, My Mama.”

Makakasama niya rito ay sina Jake Vargas at Jeric Gonzales.

Maraming netizens ang nagtatalo sa kung sino ang mas kamukha ni Inah? Ang ina ba nitong si Janice de Belen o ang ama nitong si John Estrada?

Para naman kay Inah, wala raw issue sa kanya kung sino ang lookalike niya sa parents niya.

“I’m very flattered na sinasabi nila na kamukha ko ‘yung mommy ko or daddy ko.

“Sobrang excited naman sila because I’m back with GMA-7 ang doing my very first teleserye.

“Sobra din akong excited, pero sobra din akong kinakabahan.

“I hope that everybody watches this dahil ang dami nilang matututunan.

“In this show, makikita nila talaga ang different kinds of love,” ngiti pa niya.

Wala naman daw naging issue sa kanyang Daddy John ang paggamit niya ng De Belen imbes na Estrada.

“Dad understands everything. He’s very supportive sa mga ginagawa ko ngayon,” diin pa niya.

May advice pa si Mommy Janice sa kanyang pagbalik sa showbiz?

“Ang sabi niya, ‘Ma-pressure ka. ’Sabi naman niya, kahit ano’ng mangyari sa career mo, always be humble and just be yourself. ‘Yun lang naman daw ang importante,” ayon pa kay Inah.

Nag-post pa si Inah sa kanyang Instagram account ng kanyang pasasamalat sa kanyang Mommy Janice.

“Thanks Mom for all the times you’ve been there guiding and loving me. #LiveDeeper #LoveMom” (Ruel J. Mendoza)

comments