Home » Entertainment » Julie Anne paired with Benjamin Alves in new teleserye

Julie Anne paired with Benjamin Alves in new teleserye

julie anne san jose1 copy copy

Quiet muna si Julie Anne San Jose sa panliligaw ni Benjamin Alves sa kanya.

Pero kitang-kita na may kislap sa mga mata nito tuwing nababanggit ang name ni Benjamin.

“”May gano’n po ba?” tawa pa ni Julie.

“Okey naman kami. We’re taking our time. Wala naman reason para magmadali, ‘di ba?

“As long as we’re happy with one another, okey kami. ’Yun lang ang puwede kong masabi for now.”

Madali raw niyang nakasundo si Benjamin dahil pareho raw sila ng hilig. Pareho silang mahilig magsulat ng mga malalalim na poems.

“I guess isa lang ‘yun sa mga nakakahiligan naming gawin pareho. Kung ang iba ay ang katawan ni Benjamin ang unang nagugustuhan, si Julie ay ang mga mata raw ng Kapuso hunk ang gusto niya.

“Hindi naman ako mahilig tumingin sa physical aspect ng tao. More ako sa mga expressions niya.

“Like si Benjamin, I like his eyes kasi very expressive. Alam mo agad ang emotions niya.

“Hindi ko naman napapansin ang abs niya kasi nakadamit naman siya kapag magkasama kami!” tawa pa niya ulit.

Sisimulan na ang bagong teleserye ni Julie at ito ay ang remake ng 1987 film ni Ishmael Bernal na “Pinulot Ka Lang Sa Lupa”.

Ang original cast nito ay sila Lorna Tolentino, Maricel Soriano, Eddie Garcia, and Gabby Concepcion.

Si Benjamin ang magiging leading man ni Julie at kasama rin sa cast sina LJ Reyes at Martin del Rosario.

May pinaghahandaan din na international promotion si Julie para sa kanyang album na “Chasing The Light”.

Magiging guest din ang singer-actress sa major concert ni Christian Bautista.

Kasama din si Julie sa “Sunday PinaSaya” na nagse-celebrate ng 1st anniversary on September 11. (RUEL J. MENDOZA)

comments