Home » News » News Roundup » Lalaki patay sa pamamaril sa Tondo

Lalaki patay sa pamamaril sa Tondo

Isang 40-taong gulang na lalaki ang pinagbabaril hanggang sa mamatay ng hindi kilalang kalalakihan sa Tondo, Manila, noong Martes ng hapon.

Base sa police report, ang biktima ay nakilalang si Joven Serrano, residente ng Raxabago Street, Tondo. Nakita sa CCTV footage ng Barangay 153 na nakatayo si Serrano habang nagte-text sa cellphone at parang may hinihintay na tao sa kanto ng Maria Guizon at Juan Luna Streets nang barilin siya nang malapitan ng isa sa mga suspek.

Kahit na sugatan, nakuha pang tumakbo ng biktima palayo, ngunit hinabol siya ng mga salarin at muli siyang pinaputukan ng baril.

Namatay noon din si Serrano habang mabilis namang tumakas ang mga armadong lalaki. Na-recover sa pinangyarihan ng krimen ang siyam na basyo ng bala ng .45-caliber pistol.

Ayon kay SPO2 Richard Escarlan, may hawak ng kaso, walang maibigay na detalye tungkol sa insidente ang mga taong nakatira sa lugar na iyon. (Jaimie Rose R. Aberia)

comments