Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Solenn, nabanas sa basher

Solenn, nabanas sa basher

Alden Richards (1) copy copy

Ayaw talagang tantanan ng intriga sina Alden Richards at Maine Mendoza. May kampong nagpapakalat at ipinaggigitgitan na hindi naman daw totoong may relasyon sina Alden at Maine. Anila, pang-“show” lang ang pagsagot ni Maine kay Alden on national TV.

Off-camera raw, may non-showbiz girlfriend si Alden at may non-showbiz boyfriend si Maine. How true naman kaya ito?

Sa parte ni Alden, parang hindi kapani-paniwala dahil ever since nag-showbiz siya, walang nabalitang may itinatago siyang non-showbiz GF.

Nang i-feature sa “Magpakailanman” ang kanyang life story, may bahagi roon na merong special someone si Alden. High school (or college?) pa lang yata siya noon.

Si Maine naman, inamin niya sa presscon ng “Imagine You & Me” na nagka-BF siya five or six years ago. Persistent ang rumor na hanggang ngayon ay may relasyon pa diumano si Maine sa non-showbiz guy na ‘yun kahit pa itinanggi niya at sinabing friends lang sila.

In any case, simula bukas ay available na sa iTunes ang bagong album ni Alden under GMA Records.

Patola na rin

Successful ang book launch ni Solenn Heussaff na ginanap kamakailan. Sobrang thankful ang “Encantadia” star sa mga dumating sa book launch at bumili ng kanyang “Hot Sos” book.

Sa meet-and-greet at book-signing, nagkaroon pa ng work-out session si Solenn kasama ang fans niyang bumili ng kanyang libro. Full support ang husband niyang si Nico Bolzico na naki-join din sa work-out. Available na sa bookstores nationwide ang “Hot Sos” book ni Solenn.

Samantala, hindi napigilan pumatol ni Solenn sa isang netizen na nambash sa kanya. Ininsulto siya na wala raw siyang talent at bakit sumikat siya, hindi naman daw siya nagta-tagalog.

Binash din si Solenn na bakit daw hindi siya nag-post ng pakikisimpatiya sa mga biktima ng pambobomba sa Davao. Mala-Cassiopera karakter niya sa “Encantadia” ang buwelta ni Solenn sa basher. Palaban din pala ang Kapuso star.

Ani Solenn, tigilan nito (basher) ang pagsasalita dahil hindi nito alam ang sinasabi. Aniya pa, hindi lahat sa buhay niya’y kailangan niyang i-post sa social media. Hindi lahat ng iniisip niya o gusto niyang sabihin ay kailangan niyang i-post.

Workaholic

Puna ng viewers ng “PBB Season Lucky 7,” bakit daw parati na lang si Toni Gonzaga ang nagho-host nito? Malaki na ang kanyang tiyan, hindi ba raw dapat ay naka-maternity leave na siya? Several weeks to go na lang at manganganak na siya. Napaka-workaholic naman daw ni Toni.

Tanong pa ng viewers, bakit daw bihira lang mag-host si Bianca Gonzales? Kung tutuusin daw, siya ang dapat madalas mag-host dahil hindi naman siya buntis. Mag-wa-one (o one na?) year old na ang baby niya.

Buntis din si Mariel Rodriguez, pero pahinga muna siya sa pag-ho-host ng “PBB Season Lucky 7” dahil medyo delikado ang kanyang pagbubuntis.

Maybe, kaya pa ni Toni mag-trabaho kaya hindi pa siya tumitigil sa pag-ho-host. Si Iya Villania nga, may physical activities pang ginagawa kahit malaki na ang kanyang tiyan. Sumasayaw pa siya at nagsusuot ng sapatos na mataas ang takong. Parang walang baby sa loob ng kanyang tiyan si Iya.

One week bago siya nanganak, saka lang nagpahinga si Iya sa pagtatrabaho sa “Chika Minute” segment ng “24 Oras.” Baby boy ang panganay nila ni Drew Arellano na pinangalanan nilang Antonio Primo.

Baby boy din ang isisilang ni Toni na panganay ding anak nila ng husband niyang si direk Paul Soriano.

Mayabang, maangas

After “Once Again,” afternoon prime naman ang next project ni Jeric Gonzales sa GMA7. Kasama siya sa “Oh! My Mama” with Jake Vargas and Inah de Belen.

“Maangas, mayabang at mayaman ang karakter ko. Malayo sa personality ko dahil in real life ay tahimik ako at hindi maangas,” ani Jeric.

comments