Home » News » News Roundup » 20 baril nasamsam sa dating chairman

20 baril nasamsam sa dating chairman

Nasamsam sa isang dating barangay captain ng Talavera, Nueva Ecija sa pantalan ng Masbate City ang 20 Class A na .45 caliber pistol na galing sa Cebu City kamakailan.

Kinilala ng mga pulis ang suspek na si Celso Monleon Brigoli, 59.

Ayon sa imbestigasyon, dumating ang suspek sa pantalan lulan ng bus mula sa Cebu City pabalik ng Nueva Ecija dala dala ang isang plastic bag.

Napansin ng security guard na balisa ang suspek habang dala dala ang plastic bag. Sinita ng security guard ang suspek at pinabuksan ang dala nito at nakita ang mga baril sa loob ng tatlong kahon.

Kaagad na ipinagbigay alam ng security guard sa mga pulis ang mga nakitang baril. Inaresto ng mg pulis ang suspek na residente ng Candinayla, Borbon, Cebu.

Hindi pumalag ang suspek nang inaresto. Nahaharap sa kaukulang kaso si Brigoli. (Mars W. Mosqueda Jr.)

comments