Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » ‘Corruption source’ sa PSC, tinanggal

‘Corruption source’ sa PSC, tinanggal

9butch-copy

Inalis ni Philippine Sports Commission chairman William “Butch” Ramirez ang nakalaan dito at sa apat nitong miyembro sa Executive Board na mga Commissioners na “discretionary funds” na kinukunsidera nitong isa sa mga pinagmumulan ng corruption at nagiging sanhi sa hindi maipaliwanag na paggamit sa pera ng bayan.

“This is somewhat leading or the cause of corruption,” sabi ng isang mapagkakatiwang impormante sa pahayag mismo ni Ramirez matapos ang pagpupulong ng PSC Executive Board noong Biyernes.

Ang PSC chairman ay nararapat na tumanggap ng P300,000 pondo base sa nakasaad sa discretionary fund habang ang apat na Commissioner ay nakalaan ang P200,000 kada isa na kanilang magagamit kada buwan sa iba’t-ibang aktibidad para sa kapakanan ng ahensiya.

Ang apat na commissioner ay binubuo nina dating PSC department head Arnold Agustin, dating PBA player Ramon Fernandez, dating journalist Charles Ronald Maxey at dating pencak silat association president Celia Kiram.

“The Chairman wanted all the expenditures to be in advance, transparent and all accounted for,” sabi ng impormante na tumangging pangalanan.

Ipinaliwanag ng source na kinakailangan ngayon na ang opisina mismo ni Ramirez at bawat commissioner na itakda at ideklara ang lahat ng kanilang mga aktibidad, programa, pati na opisyal na lakad upang mapaglaanan ng pondo.

“I can’t say it is part of his way of cleaning the house but rather as a way of making the agency respectable and free of corruption,” sabi pa ng opisyal.

Ang galaw ni Ramirez ay bilang pasimula naman sa pagnanais nitong maisakatuparan.

Nakatakda din itong makipagpulong sa lahat ng mga secretary general at national head coach ng national sports associations na nasa ilalim ng Philippine Olympic Committee upang hilingan ng kanilang mga programa at alamin ang pangangailangan para sa ninanais nitong buuin na Philippine masterplan. (Angie Oredo)

comments