Home » Entertainment » Regine careful not to hasten son’s entry into showbiz

Regine careful not to hasten son’s entry into showbiz

regine-nate-alcasid-photo-copy-copy

Proud mommy si Regine Velasquez-Alcasid sa pagiging professional ng four-year old son nila ni Ogie Alcasid na si Nate sa pictorial at TV commercial shoot nilang mag-ina para sa ineendorso ng anak na Smart Watch, ang multi-functional gadget para sa mga bata mula sa PLDT Home.

Si Regine ang ambassador ng PLDT Home.

“He’s sobrang nice to work with. Kasi hindi siya katulad ng ibang bata. Nag-e-enjoy lang siya, siyempre hindi mo maiaalis na bata siya. Pero pag sinabi mo sa kanyang, ‘You have to behave now. You have to take pictures now,’ he’ll ano… minsan alam ko pagod na siya kasi pag pictorial paulit-ulit. ‘Mommy, I’m tired na.’ ‘Can you do just one more?

Can you smile?’ ‘Okay, mommy.’ Magsa-smile pa rin siya. At saka he listens to me, he listens to Tita Dianne (kapatid ni Regine), he listens to the director, ” kuwento ni Regine.

Sinasabi ba ni Regine sa anak na binabayaran ito sa pagiging endorser? “Hindi ko sinasabi kasi ayokong mag-isip siya.

Pero nakaipon lahat ’yung kinikita niya. The reason why I don’t want him to know that he’s earning now because ayokong pumasok sa ulo niya na lahat pwede niyang bilhin because may pera siya. Later on when he’s a little bit bigger and he can understand already what it means, then I can tell it to him.”

Natutuwa lang si Regine na unti-unti ay nae-expose si Nate sa industriyang ginagalawan nila ni Ogie. Ilang TV commercials at product endorsements na ang nagawa ni Nate na madalas ay kasama pa si Regine.

Payag na ba si Regine na maging artista si Nate?

“Ngayon lang ito kasi maliit pa siya. Pero parang hindi naman din doon ’yung hilig niya. Pero I’m glad na medyo aware siya sa industriyang ginagalawan namin ng tatay niya. Pero hindi ko masabi kung talagang ito ’yung gugustuhin niyang gawin. For me, sana hindi. Kasi parang iba ’yung gusto niya,” sabi ni Regine.

Ano ba ang gusto ni Nate? “Right now ang mga hilig niya airplanes. He sings all the time, parang normal lang iyon sa kanya. And that’s how I actually find him pag nasa bahay, sinusundan ko lang ’yung voice niya. Pero alam n’yo kung sino ang hangang-hanga siya, kay Mang Tani (Nathaniel Cruz, GMA News weather forecaster). Super kilala niya si Mang Tani, kasi he loves weather e, sobra siyang interested doon.” (GLEN P. SIBONGA)

comments