Home » News » News Roundup » New Roundup » Regional » Tulak ng shabu dedo sa shootout

Tulak ng shabu dedo sa shootout

Isa na namang hinihinalang drug pusher ang napatay nang manlaban umano sa mga pulis na nagsagawa ng buy-bust operation sa Quezon City kahapon ng umaga.

Ayon sa police, namatay ang suspek na nakilala lamang sa alyas na “Fidel” nang makipagbarilan sa anti-illegal drug operatives ng Kamuning Police Station (PS-10) sa kanto ng Aurora Blvd. at E. Rodriguez Avenue, Barangay Immaculate Concepcion.

Base sa report ng PS-10, naganap ang insidente bandang 1:30 a.m. Dead on arrival si Fidel sa East Avenue Medical Center dahil sa maraming tama ng bala na kanyang katawan.

Na-recover ng mga imbestigador ang .45-caliber pistol na ginamit ng suspek, dalawang basyo ng bala, anim na pakete ng shabu, mga gamit sa pagdo-droga at R839 cash. (Vanne Elaine P. Terrazola)

comments