Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Angel, pasok sa Top 10 ng world’s sexiest

Angel, pasok sa Top 10 ng world’s sexiest

10angel-locsin4-instagram-copy-copy

May paliwanag si Kathryn Bernardo sa mga hindi nagugustuhan ang kulut-kulutan niyang hair sa pelikulang “Barcelona: A Love Untold.” May mga nagsasabing hindi bagay kay Kathryn dahil nag-mature ang itsura niya.

Ayon kay Kathryn, ideya ‘yun ni direk Olive Lamasan. Nakita nito na karamihang babae sa Barcelona, Spain ay kulot ang buhok. Nagustuhan ‘yun ni direk Olive, kaya ipinakulot din ang hair ni Kathryn. New look nga naman na ibinagay sa pina-mature na role niya sa movie nila ni Daniel Padilla.

Likewise, may istorya rin kung bakit na iba rin ang hairstyle ni Daniel sa “Barcelona: A Love Untold.” Aniya, bagong gising siya noong nakita siya ni direk Olive. May hati sa gitna ang kanyang buhok at nagustuhan ‘yun ng lady director. Sinabihan siya nito na ganu’n na lang ang hairstyle niya sa movie. Pinag-mukha ring mature si Daniel na ibinagay din sa role niya.

Showing on September 14 sa mga sinehan nationwide ang “Barcelona: A Love Untold.”

Kabog!

Ano kayang reaction ni Jessy Mendiola na pasok si Angel Locsin sa Top 10 Sexiest Nationalities in the World, base sa MTV Australia? Number 8 si Angel. Mga sikat na Hollywood celebrities ang kasama sa Top 10.

Tinanghal pa namang Number One Sexiest Pinay si Jessy ng isang men’s magazine dito sa Pilipinas, pero wala siya sa listahan ng Top 10 Sexiest Nationalities ng MTV Australia.

In any case, sa kanyang Instagram account ay pinasalamatan ni Angel ang MTV Australia. Tuwang-tuwa naman at sobrang proud ang fans and supporters ni Angel. Anila, si Angel lang talaga ang may karapatang mag-Darna. Excited na silang makita ang muling paglipad ni Angel.

Wedding day

Today ang kasal ni Isabelle Daza sa fiance’ niyang si Adrien Semblant. Sa St. Francis church sa Luciagrano, Arezzo in Tuscany, Italy ang kanilang wedding.

Present ang “It Girls” friends ni Isabelle na sina Solenn Heussaff, Anne Curtis at Georgina Wilson-Burnand na pregnant na sa first baby nilang foreigner husband niya. ‘Andun din si Raymond Gutierrez na BFF (best friend forever) din ni Isabelle at ilan pang malalapit niyang kaibigan.

Sa “It Girls,” si Anne nalang ang hindi pa nagpapakasal. Kailan naman kaya ang wedding proposal ng boyfriend niyang si Erwan Heussaff? Sa ibang bansa rin kaya sila magpapakasal? Take note na pare-parehong foreigners ang karelasyon ng “It Girls” at sa ibang bansa sila nagpakasal. Pinag-usapan kaya nila ‘yun? O, nagkataon lang?

Kanya-kanyang pasabog

Sa September 23 na ang “Oh! Boy” concert nina Aljur Abrenica, Rocco Nacino, Jake Vargas at Derrick Monasterio sa Music Museum at 8 pm. Suportadong international fans ang kanilang concert at uuwi pa ang mga ito ng Pilipinas para manood.

Promise naman ng apat na Kapuso stars na hindi magsisisi at worth it ang pag-uwi sa bansa ng kanilang international fans. Tiniyak nilang masisiyahan ang mga ito, pati na ang fans and supporters nila rito sa Pilipinas.

Sexy-naughty ang concept ng “Oh! Boy” concert at may kanya-kanyang pasabog sina Aljur, Rocco, Derrick at Jake sa kanilang respective solo numbers.

Deadma lang

Deadma lang si Kim Domingo sa mga indecent proposal sa kanya. Aniya, kahit noong modelling days pa lang niya’y meron na siyang gano’ng proposals. Nadagdagan pa noong nag-showbiz siya at tinagurian pang Bagong Pantasya ng Bayan.

Ayon kay Kim, never siyang pumatol sa mga indecent proposal dahil mas gusto niya ‘yung pinaghihirapan niyang pagtrabahuhan ang mga bagay na gusto niyang makamtan o makuha.

Bukod sa pag-arte, may talent din pala for singing si Kim. Release nang GMA Records ang first single niyang “Know Me.”

comments