Home » News » News Roundup » New Roundup » Regional » Binatilyo pinagbabaril sa highway

Binatilyo pinagbabaril sa highway

CAMP JUAN, Ilocos Norte – Patay ang isang teenager nang pagbabarilin ito ng hindi pa nakikilalang mga suspects sa kahabaan ng Barangay 20, Paratong, Paoay, Ilocos Norte.

Kinilala ang biktima na si Mark Kevin Judalena, 17, at isang out-of-school youth na nakatira sa Sitio Galpac malapit sa pinangyarihan ng krimen.

Huwebes ng gabi nang binabaybay ni Judalena ang naturang highway sakay ang kaniyang motorsiklo at sinasabing pauwi ng kanilang tahanan nang pagbabarilin ito ng mga suspects sakay ng kanilang kotse.

Sinubukan pang itakbo ng otoridad ang biktima sa pinakamalapit na ospital ngunit idineklara din itong dead on arrival.

Nakuha sa crime scene ang ilang basyo ng caliber .9mm na gagamitin ng pulisya sa gagawin nilang imbestigasyon. (Freddie G. Lazaro)

comments