Home » News » News Roundup » New Roundup » Regional » Magsasaka tinodas sa Isabela

Magsasaka tinodas sa Isabela

Binaril at namatay ang pinuno ng grupo ng magsasaka sa Delfin Albano, Isabela noong Huwebes.

Kinilala ng mga pulis ang biktima na si Ariel Diaz, 57, may asawa, residente at pinuno ng sangay ng grupong Dagami sa naturang bayan.

Ayon kay PO2 Enrique A. Mercado, may hawak ng kaso, dinadalaw ng biktima ang kanyang bukid sa Barangay Villa Pereda ng dumating ang dalawang lalaki na sakay ng motorsiklo.

Bumunot ng baril ang mga suspek at pinagbabaril ang biktima. Agad na tumakas ang mga suspek sakay ng motorsiklo pagkatapos ng insidente.

Nagtamo ng mga tama ng bala ang biktima sa katawan na agad nitong ikinamatay. Narekober ang dalawang basyo ng bala ng kalibre .45 malapit sa bangkay ng biktima.

Inaalam pa ng mga pulis ang tunay na motibo ng insidente. (Liezle Basa Inigo)

comments