Home » News » News Roundup » New Roundup » Metro News » Baby Jade pumanaw na

Baby Jade pumanaw na

Pumanaw na si Baby Jade, ang sanggol na natagpuang nakabalot at nakalagay sa kahon sa isang basurahan sa Valenzuela City noong nakaraang buwan, kahapon ng madaling araw.

Pumanaw si Baby Jade sa Philippine General Hospital sa Manila pagkatapos tanggalin ng kanyang mga grandparents ang life support machine na nakakabit at bumubuhay sa kanya.

Tinanggal ng lolo at lola ang life support machine ng bata pagkatapos sabihin ng kanyang mga doktor na mabubuhay ang bata pero nakadepende na lamang ang buhay niya sa makina.

Nagpahayag ng pagkalungkot si Valenzuela Mayor Rex Gatchalian sa pagpanaw ng sanggol pero iginiit na naiintindihan niya ang desisyon ng pamilya ng bata. Ang ina ng sanggol na isang katulong ay naaresto noong Setyembre 1 at nakatakdang sumailalim sa psychiatric counseling. (Jel Santos)

comments