Home » Entertainment » Ruru Madrid: Millennial hunk to watch

Ruru Madrid: Millennial hunk to watch

Ruru MadridAng dating payatot na contestant ng isang reality show ng GMA-7 ay isang certified hunk na ngayon.

Kabilang na sa mga masasabing Kapuso hunks ngayon ang teen actor na si Ruru Madrid.

Maraming netizens na ang humihiling na mag-post ito sa social media ng sexy selfie niya na nagwu-workout siya sa gym or mga shirtless selfies.

Bagama’t natutuwa si Ruru sa mga positive feedbacks tungkol sa kanyang physique, hindi naman niya mapagbigyan ang mga ito sa kanilang hiling na mga sexy selfies dahil very wholesome ang image niya sa TV dahil sa mga shows niya na “Encantadia” at “Sunday PinaSaya.”

“Nakakatuwa naman po ang mga request nila sa akin. Mga sexy selfies daw kasi ang ganda na raw ng katawan ko.

“Noon daw kasi, payatot ako at hindi ako babagay sa role na Ybarro na isang hunk.

“Mukha raw akong hindi nakakakain ng masasarap kasi ang payat-payat ko po.

“Kaya naging challenge sa akin na i-improve ang sarili ko physically at na-achieve ko naman.

“Nag-workout akosa gym ng five times a week. Nag-Muay Thai pa ako para sa magiging training ko for ‘Encantadia.”’

“Ngayon wala na akong mga bashers. Nadagdagdan pa ang mga followers ko sa social media at panay ang request nila ng sexy na selfie ko.

“Sinasabi ko naman po na hindi pa puwede dahil may pinoprotektahan tayong image.

“Tsaka feeling ko hindi pa naman gano’n kaganda talaga ang katawan ko para i-selfie ko. Nahihiya pa rin ako.

“Kapag sobrang confident na ako at nasa tamang panahon, mag-post ako ng mga sexy selfies. Magsasawa sila!” malakas na tawa pa ni Ruru.

Baka ang una raw mag-react kapag nag-post siya ng sexy selfies ay ang ka-loveteam niyang si Gabbi Garcia.

Ayaw daw masira ni Ruru ang wholesome image ng tandem nila kaya maingat siya sa pag-post sa social media.

“Conservative si Gabbi at bilang ka-loveteam niya, nirerespeto ko iyon.

“Kailangan may approval muna niya, ‘di ba? Kung hindi puwede, siya ang masusunod,” pagtapos pa ni Ruru Madrid.

comments