Home » News » News Roundup » New Roundup » Metro News » Shabu buyer todas sa mga pulis Manila

Shabu buyer todas sa mga pulis Manila

Patay sa mga pulis ang isang lalaki na bumili umano ng shabu sa isang drug pusher noong Biyernes sa Binondo, Manila. Kinilala ng mga pulis ang suspek na si Ronnie Bucao, 50.

Ayon sa imbestigasyon, nakatanggap ng impormasyon ang mga pulis na may nagaganap na pot session at bentahan ng shabu sa bahay ni Esmundo “Dudoy” Ariola sa Anggalo St. Pinuntahan ng mga pulis ang lugar at nakita si Bucao na nagbabayad at tumatanggap ng hinihinalang shabu mula kay Ariola.

Lumapit ang mga pulis upang arestuhin ang dalawa pero may sumigaw na papalapit na sila. Tumakbo ang dalawa papasok sa bahay at pinaputukan ni Bucao na armado ng caliber .38 revolver ang mga pulis. Gumanti ng putok ang mga pulis at nagtamo ng tama ng bala si Bucay na kaagad nitong ikinamatay. Narekober kay Bucay ang hinihinalang shabu na kanyang binili at baril samantalang nakatakas naman si Ariola. (Analou de Vera)

comments