Home » Entertainment » Gabbi awed by Ruru’s constant sweetness

Gabbi awed by Ruru’s constant sweetness

RURU Madrid and Gabbi GarciaIsa sa inaabangan na loveteam on primetime television sa Kapuso network ay ang tambalang GabRu nina Gabbi Garcia at Ruru Madrid.

Kabilang sila sa mga bida ng top-rating telefantasya on television na Encantadia kung saan gumaganap sila bilang star-crossed lovers na sina Alena at Ybarro.

Noong una silang pinagtambal sa teleserye na My Destiny noong 2014, nagkaroon na sila agad ng mga fans. Hindi nagtagal ay pinagbida na sila sa teleserye na Let The Love Begin in 2015.

Ang ilan pang pinagsamahan nilang mga shows ay ang Insta-Dad, Naku Boss Ko, Maynila at Seasons of Love.

Magkasama rin sila ngayon tuwing linggo sa comedy-variety program na Sunday PinaSaya.

Marami sa kanilang fans ang natutuwa sa pagiging sweet ng GabRu loveteam kahit na wala raw kamera na nakatutok sa kanila.

Hindi raw nagkukulang si Ruru sa kanyang pinakapakitang pagiging sweet at flattering daw iyon para kay Gabbi.

Ayon pa kay Gabbi, ang pinakagusto raw niya sa kanyang ka-loveteam na si Ruru ay ang pagiging consistent nito sa pagiging sweet sa kanya.

On and off camera raw ay napakalambing daw ni Ruru kaya minsan ay pakiramdam ni Gabbi ay siya ang nagkukulang sa kanyang ka-loveteam.

“Feeling ko po talaga, hindi ko masyadong napapantayan ‘yung pagiging sweet ni Ruru sa akin.

“Ako po siguro may times na sweet ako. Pero hindi ko po parating pinapakita.

“Pero si Ruru ‘yung consistent talaga, as in from the smallest to biggest things. He shows me his sincere self—kahit na may mga tao sa paligid namin, ang lambing niya,” ngiti pa ni Gabbi.

Inaabangan naman ng GabRu fans kung kelan sasagutin na ni Gabbi si Ruru.

Hanggang ngayon kasi ay consistent sila sa pagsabi na “best friends” silang dalawa.

Ayon pa kay Gabbi ay hindi pa niya masasagot iyon hanggang hindi pa siya 18 years old.

Kung makakapaghintay daw si Ruru, may maisasagot na raw si Gabbi sa 18th birthday niya on December 2. (Ruel J. Mendoza)

comments