Home » News » News Roundup » New Roundup » JC Santos finds instant closeness with James, Nadine

JC Santos finds instant closeness with James, Nadine

By Glen P. Sibonga

Hindi pa rin makapaniwala si JC Santos sa biglang pag-init ng pangalan niya sa showbiz simula nang ipakilala siya bilang isa sa mga bidang ABS-CBN teleseryeng “Till I Met You” kasama sina James Reid at Nadine Lustre.

Ginagampanan niya ang role ni Ali, ang third wheel sa pag-iibigan nina Basti (James) at Iris (Nadine).

“Kinakabahan po ako pero nage-enjoy naman ako. Isa itong magandang journey. Nagpapasalamat po ako sa Dreamscape sa pagtitiwala sa akin,” sabi ni JC.

Natutuwa rin si JC na sa kanyang big break sa telebisyon ay ang Jadine ang nakasama niya. “Akala ko nga aawayin ko lang si James dito e, sabi ko okay na, Masaya na ko doon. Pero noong nilatag na sa amin ’yung istorya, hindi ako makapaniwala na isa ako sa mga bida, gulat na gulat ako. Masayang-masaya akosiyempre Jadine iyan e, sino ba naman ang ayaw makatrabaho sila. And noong nasa Greece kami hindi ako nahirapang maging ka-close sina James at Nadine dahil pareho silang mabait at humble. At saka napaka-generous nilang dalawa, very giving sa mga eksena namin, kaya nagging madali ang trabaho naming dahil nagtutulungan kaming tatlo. Of course, malaking tulong din sina Direk Tonette (Antoinette Jadaone) at Direk Dan (Villegas), na lagging nagmo-motivate sa aming tatlo,” sabi ni JC.

Patunay ngang pagsikat ni JC ay ang pagdami ng fans niya at maging followers niya sa social media. Dagsa ang mga papering natatanggap niya sa Instagram. Katulad ng komento ni @starfish_aly: “You look good with nadz and james! Good team up you three. And you and Nadz have chemistry also. Nice, nakakakilig rin kayo. You’re now one of my fave JC. Just keep up the good work.”

Sabi pa ni @nicacasacop: “Galing mong umartet ska hndi ka nakakaasar sa love team nila. Chill lang ang dating mo gwapo pa”

Kahit pa noong na-reveal na gay ang character ni JC sa TIMY ay suportado pa rin siya ng fans. Komento ni @themarvelousmurphy: “OMG I really love your third wheel character in TIMY. Oh Ali your such a wonderful character representing the LGBT community.”

Mapapanood ang Till I Met You mula Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng FPJ’s “Ang Probinsyano” sa ABS-CBN Primetime Bida.

comments