Home » Entertainment » Ai-Ai awarded ‘The Most Influential Film Actress’ by today’s youth

Ai-Ai awarded ‘The Most Influential Film Actress’ by today’s youth

13ai-ai-instagram-copy

Masayang-masaya ang Comedy Queen na si Ai-Ai delas Alas dahil sa pagtanggap niya ng Most Influential Film Actress of the Year Award mula sa 6th EdukCircle Awards noong nakaraang September 9 sa AFP Theater in Camp Aguinaldo, Quezon City.

Ayon sa EdukCircle, ni-recognize nila si Ai-Ai dahil sa “exemplary performances of personalities in news and entertainment whose professional works have made significant contributions to Philippine music, film and television.”

Natuwa naman ang host ng Sunday PinaSaya dahil galing ang award mula sa mga kabataan na sinubaybaya nang mga shows niya sa telebisyon.

“Naluluha ako kasi sa edad kong 18 nakakakuha pa ako ng award galing sa mgakabataan,” malakas na tawa pa ni Ai-Ai.

“Promise ko that I will continue to be a good actress and commedienne to make them happy and still learn and improve more my craft para lalo ko pang mapasaya di lamang mga kabataan kundi ang buong Pilipinas.”

Sa kanyang post saInstagram ay dedicated niya an gkanyang award samga co-stars niya sa pelikulang “My Bebe Love” nasina Vic Sotto, Alden Richards, and Maine Mendoza, sa kanyang director na si Jose Javier Reyes, sa kanyang mga anak at boyfriend na si Gerald Sibayan.

“Maraming salamat sa EDUKCIRCLE ..Nais kong i share ang award na ito sa mga kasamahan ko sa MY BEBE LOVE ..Ang aking leading man BOSSING BOX OFFICE KING VIC SOTTO , PHENOMENAL LOVETEAM ALDUB , DIREK JOEY REYES AND MZET OCTOARTS APT MEda PRODUCTIONS and GMA FILMS…Nais ko naman i dedicate ang award na ito sa aking mg aanak SANCHO SHAUN SOPHIA SETH AND MY DARLING GERALD .. Salamat po sa EDUKCIRCLE FOR VOTING ME kasama ng mga DEAN PROFESSORS, STUDENTS SA BUONG PILIPINAS …MARAMING MARAMING SALAMAT PO … TO GOD BE THE GLORY (Ruel J. Mendoza)

comments