Home » News » News Roundup » New Roundup » Regional » Buntis, kinakasama patay sa drug raid

Buntis, kinakasama patay sa drug raid

CAGAYAN DE ORO CITY – Patay ang isang buntis at kinakasama nito matapos manlaban umano sa isang drug raid sa kanilang tahanan sa El Salvador, Misamis Oriental.

Kinilala ng pulisya ang mga napatay na sina Yvonne Tapales, 22 anyos at pitong buwan na buntis at live-in-partner nito na si Mark Jones, 25 anyos.

Lumabas sa imbestigasyon na natutulog ang dalawa nang pasukin ng mga awtoridad ang kanilang tahanan sa isang drug raid.

Ayon kay El Salvador police chief Insp. Edilberto Carillo, nagpaputok ang mga suspek kung kaya’t napilitan ang mga pulis na makipagpalitan na din ng putok, dahilan para mapuruhan sina Jones at Tapales.

Nakuha sa lugar nina Jones at Tapales ang ilang pakete na naglalaman ng pinaghihinalaang shabu at tig-isang .45 caliber at 22.caliber revolver.

Samantala duda naman ang isang saksi sa anggulo na nanlaban sina Jones at Tapales dahil umano sa natagpuan ang mga ito ng pahinante ng punerarya na hubo’t-hubad at walang malay na nakahandusay sa kanilang higaan. (Camcer Imam)

comments