Home » Entertainment » Cacai shocked, Aga Muhlach wants to be her leading man

Cacai shocked, Aga Muhlach wants to be her leading man

Hindi pa rin makapaniwala ang comedienne and Dental Diva na si Cacai Bautista na nagpakita ng interes ang former screen heartthrob na si Aga Muhlach para maging leading man niya sa kanyang launching film.

Ang working title ng launching film ni Cacai ay “Ms Q and A: Para sa Magaganda Lang Ba ang Lovelife?”

Nag-launch ng isang search ang producer na Insight 360 Films via social media para sa magiging leading man ni Cacai.

May certain qualifications na kailangan para makapag-audition ang mga interesado na maging leading man.

Kaya naman sobrang na-shock ang comedienne nang biglang mag-send ng message sa kanya si Aga mismo sa kanyang Facebook page at humihiling kung puwede ba siyang mag-apply bilang leading man.

Heto ang nakakatuwang palitan ng mensahe nila Aga at Cacai:

Aga: “Pwedeng mag-apply???”

Kakai: “Juskow. Paano? Hahahaha.”

Aga: “Kahit extra Lang! Ex na naghahabol! Haha! Congrats.”

Ikinatuwa naman ng producer ng Insight 360 Films na si Chris Cahilig ang naging palitan ng conversation nila Aga at Cacai. Natuwa siya na nagpakita ng interes ang former heartthrob na makatrabaho ang comedienne.

“Kung serious si Aga, we can shoot na. Agad-agad! Game!,” post pa ni Cahilig sa kanyang Facebook page.

Muling nagbabalik sa showbiz limelight si Aga pagkatapos ng ilang taong pamamahinga. Isa siya sa judges ng ABS-CBN competition show na “Pinoy Boyband Superstar.”

Huling pelikula na ginawa ni Aga ay ang “Of All The Things” noong 2012 with Regine Velasquez-Alcasid.

Kung serious man o hindi si Aga na makatrabaho si Cacai, tuloy ang project na ito para sa komedyante.

Huling napanood si Cacai sa blockbuster hit na “Imagine You & Me” nila Alden Richards at Maine Mendoza.

This December ay kasama siya sa cast ng Metro Manila Film Festival official entry na “Enteng Kabisote 10 and the Abangers.”

Sa TV ay napapanood siya sa comedy series na “Conan, My Beautician.” (RUEL J. MENDOZA)

comments