Home » News » News Roundup » ‘Salisi’ gang sa NAIA-3

‘Salisi’ gang sa NAIA-3

Inaksiyunan ni Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 manager Ricardo Medalla ang mga reklamo tungkol sa sunod-sunod na pag-atake ng “salisi” (robbery) gang sa loob ng terminal.

Kamakailan lamang, isang pasahero mula sa Hong Kong ang nagsampa ng reklamo sa PNP-Aviation Security Unit (AVSEU) tungkol sa pagkawala ng kanyang mamahaling shoulder bag habang nasa loob ng terminal.

Ayon kay Johaima Alug, pasahero ng Pacific flight 5J111, naghahapunan siya kasama ang kaniyang pamilya sa Wendy’s restaurant sa arrival area nang biglang mawala sa kaniyang tabi ang kanyang purple long Champ bag bandang 2:35 p.m..

Ang bag anya ay naglalaman ng kanyang passport, cards at iba pang mahalagang gamit. Agad na humingi ng tulong si Alug sa desk ng AVSEU na kaagad namang ni-review ang CCTV footage kung saan nakita na dalawang babae at tatlong lalaki ang kumuha ng kaniyang bag sa oras na 2:18 p.m.

Samantala, nanawagan si MIAA General Manager Ed Monreal sa hepe ng Airport Police Department (APD) na magtalaga ng mas marami pang police sa mga lugar sa airport kung saan madalas magtipon ang mga pasahero at kanilang mga pamilya. (Ariel Fernandez)

comments