Home » News » News Roundup » Trike driver dedo sa drug bust

Trike driver dedo sa drug bust

Patay ang isang tricycle driver na hinihinalang tulak ng droga nang manlaban siya sa mga pulis na nagsagawa ng buy-bust operation sa Pasig City nitong Lunes ng gabi Bumagsak si Neptali “Nepnep” Celestino, 40, sa patibong na inilatag ng mga pulis sa loob mismo ng kanyang bahay sa M.H. del Pilar Street, Barangay Palatiw, Pasig City, bandang 9:30 p.m..Matapos niyang tanggapin ang P500 bayad para sa isang pakete ng shabu, natunugan niyang mga pulis ang kaniyang ka-transaksiyon kung kaya’t kaagad siyang bumunot ng baril at pinaputukan ang mga alagad ng batas, ayon sa police report.

Gumanti ang mga pulis at tinamaan si Celestino. Binawian siya ng buhay sa Rizal Medical Center sa oras na 10 p.m. noong araw ding iyon.

Ayon kay Senior Supt. Orlando Yebra, acting Pasig Police chief, si Celestino ay kilalang kilabot na tulak ng droga sa Pasig at kasama sa drug watch list ng Pasig Police Station.

Na-recover ng mga pulis sa crime scene ang .22-caliber Magnum revolver na kargado ng tatlong bala, anim na basyo ng bala at tatlong pakete ng shabu, sabi ng police. (Betheena Kae Unite)

comments