Home » News » News Roundup » 6 drug suspects tiklo

6 drug suspects tiklo

Inaresto ng mga pulis ang anim na drug suspects kasama ang isa umanong kilabot na drug den operator sa Navotas nitong Martes ng gabi.

Kinilala ng police and mga nadakip na sina Cecil Sangray, 32, ang sinasabing drug den operator; Eden Bastol, 31; Michelle Margate, 25; Tyson Serna, 23; Ramon “Ching” Tan, 49; at Ronel Tungul, 23.

Sinabi ni Senior Supt. Dante Novicio, Navotas police chief, na nahuli ang mga suspek sa magkakahiwalay na operasyon sa siyudad.

Ayon kay Novicio, sinalakay ng mga pulis ang bahay ni Sangray sa Barangay North Bay Boulevard North bandang 11:35 p.m., kung saan nahuli si Bastol at Margate sa aktong sumisinghot ng droga.

Si Serna naman na nasa police drug watchlist ay natiklo nang magbenta ng shabu sa isang undercover cop bandang 11:59 p.m. sa Barangay North Bay Boulevard. Samantala, sina Tan at Tungul ay nadakip sa isang patibong na ikinasa ng mga pulis sa Barangay Tanza bandang 11:32 p.m..

Nakumpiska sa kanila ang limang pakete ng shabu. Kasalukuyang nakakulong ang anim na nadakip sa Navotas Police detention cell. (Jel Santos)

comments