Home » News » News Roundup » Babae patay sa pamamaril

Babae patay sa pamamaril

Isang hindi pa nakikilalang babae ang napatay habang ang kanyang kasamang lalaki ay na-comatose nang pagbabarilin ng isang armadong lalaking naka-kotse sa isang subdivision sa Parañaque City kahapon ng madaling araw.

Ayon kay Senior Superintendent Jose Carumba, chief of Parañaque City Police, ang babaeng biktima ay nasa edad na 25 hanggang 30, nakasuot ng blue t-shirt at maong shorts.

Nagtamo siya ng mga tama ng bala sa ulo, dibdib at balakang, at mga galos sa ulo. Nakatali ang kanyang mga kamay ng packaging tape.

Sinabi ni Carumba na ang lalaking biktima ay na nasa edad 30 hanggang 35, nakasuot ng blue sleeveless shirt at maong pants, at may tattoo na “Dodong” sa kanang braso.

May tama rin siya ng bala sa ulo at katawan, at nakatali rin ang mga kamay ng packaging tape. Nanatili siyang comatose at nasa kritikal na kondisyon sa Parañaque Medical Center.

Na-recover sa crime scene ang shoulder bag ng babae na naglalaman ng dalawang sachet ng shabu at iba pang gamit sa pagdo-droga. (Martin A. Sadongdong)

comments