Home » News » News Roundup » 2 motorcycle riders todas sa pulis

2 motorcycle riders todas sa pulis

Dalawang nakamotorsiklong lalaki ang napatay ng mga nagpapatrolyang pulis nang tangkain nila umanong barilin at hagisan ng granada ang mga alagad ng batas na sumita sa kanila sa Malate, Manila, bago magmadaling araw kahapon.

Base sa police report, nagsagawa ng “Oplan Sita” ang mga operatiba ng Adriatico Police Community Precinct matapos tumawag sa 9999 hotline ang isang “Ms. Dela Cruz” at ini-report ang dalawang nakamotorsiklong lalaki na sumusunod sa kanyang sasakyan sa Taft Avenue.

Nang mamataan ni Senior Inspector Joel Lanarang at ng kanyang team ang sinasabing motorcycle riders, agad ni-lang sinenyasan ang dalawa na huminto.

Sa halip na sumunod sa utos ng mga pulis, bumunot ng baril ang back rider ngunit mabilis na pinaputukan siya ni Lanarang na nagresulta sa kanyang pagkamatay.

Humugot naman ng granada ang driver ng motorsiko mula sa kanyang bulsa ngunit nabaril siya ng mga pulis bago pa niya maalis ang pin.

Na-recover sa crime scene ang dalawang baril ng mga suspek, pitong tabletas ng hinihina-lang ecstasy at isang MK2 fragmentation hand grenade. (Jaimie Rose R. Aberia)

comments