Home » Entertainment » Jeric learned his lesson from alleged video scandal

Jeric learned his lesson from alleged video scandal

jeric-gonzales-6-1-copy-copy

Matagal ding umiwas na magpa-interview sa entertainment press ang Kapuso hunk na si Jeric Gonzales dahil sa isang video scandal na diumano’y kinasangkutan niya.

Never na inamin or nag-deny si Jeric tungkol sa video at tumahimik na lang siya.

Pagkaraan ng ilang buwan ay nagawa na ring pag-usapan ng aktor ang tungkol sa naging iskandalo sa kanyang promising career.

“Mas pinili ko po kasi ang hindi na lang magsalita tungkol doon sa issue.

“Noong unang lumabas ang balitang iyon, hindi ko po alam ang gagawin ko. Sinabihan na lang ako na maging quiet na lang ako at lilipas din ang issue na iyon,” diin pa niya.

Marami nga raw natutunan si Jeric sa mga pangyayaring iyon.

“Yung maging maingat. Yun ang una kong natutunan.

“Lahat ng gawin mo ay responsibilidad mo. Kapag mali ang ginawa mo, marami ang maaapektuhan.

“Nag-focus na lang po ako sa work ko. Nagpapasalamat ako na hindi ako nawalan ng trabaho dahil sa issue na iyon.

“Yung last teleserye ko was ‘Once Again’ with Aljur Abrenica and Janine Gutierrez. Tapos nagsunud-sunod naman ang mga guestings ko.

“Ngayon I’m in the cast of ‘Oh, My Mama’ as one of the leading men ni Inah de Belen.

“Sobrang na-excite ako noong una ko pa lang nalaman na si Inah ang makakasama namin.

“Kahit hindi ko pa siya kilala noon, excited na ko kasi she is the daughter of Janice de Belen and John Estrada.

“Na-excite talaga ako na magawa itong project na ito kasi iba ang role ko this time,” ngiti pa ni Jeric.

Gaganap na isang bad boy si Jeric sa naturang teleserye at ka-love triangle siya kay Inah at Jake Vargas.

Kung sa mga huling teleserye ni Jeric ay good boy siya ngayon nama’y pumayag siyang gumanap sa isang off-beat role.

“Kakaiba ‘yung role ko dito kasi iba sa mga nagawa ko dati na role.

“Dito kasi, isa akong mayaman tapos maangas at medyo siga,” pagtatapos pa ni Jeric Gonzales. (RUEL J. MENDOZA)

comments