Home » News » News Roundup » 4 lalaki itinumba sa Pasig

4 lalaki itinumba sa Pasig

Apat na hinihinalang drug pusher ang napatay sa magkakahiwalay na insidente ng pamamaril sa Pasig City noong Huwebes ng gabi hanggang kahapon ng umaga.

Ang unang napatay ay nakilalang si Gonzalo Beltran Jr. alyas “Pusit”, 57, ng Barangay Pinagbuhatan. Binaril siya nang malapitan ng dalawang lalaking nakamotorsiko habang siya’y nakatayo sa harap ng isang bakery sa oras na ika-8 ng gabi.

Bandang 10:20 p.m., papatulog na ang biktimang si Peter Fornis alyas Pepito, 40, sa kanyang tahanan sa Venus Street, Barangay Pinagbuhatan, nang biglang pumasok ang dalawang hindi kilalang lalaki at paulanan siya ng bala.

Dakong 1:45 a.m. dalawang armadong lalaki rin ang tumapos sa buhay nina Antonino Cruz, 49, at Diether “Bakla” Dominguez habang nasa loob ng kanilang tinitirahan sa Barangay Bambang.

Ayon kay Police Senior Superintendent Orlando Yebra Jr., si Cruz at Dominguez ay nasa drug watchlist ng Barangay Bambang. Patuloy pa ring sinisiyasat ng pulisya ang serye ng pamamaril. (Jenny Manongdo)

comments