Home » News » News Roundup » New Roundup » Regional » Swedish, tiklo sa Boracay drug bust

Swedish, tiklo sa Boracay drug bust

AKLAN – Arestado ang isang Swedish national at kaibigan nitong Pinoy matapos mahulihan ng limang sachet ng pinaghihinalaang shabu.

Kinilala ang mga suspek na sina Daniel Wilhelm Guntli, tubong Sweden at 31 anyos at si Rey Buendia, 36 anyos at residente ng Butuan City.

Pinaniniwalaang tulak ng ipinagbabawal na gamot ang dalawa at sinasabing mga turista at ilang residente ng Boracay ang parokyano ng mga ito.

Ayon kay Boracay Police chief Senior Inspector Jess Baylon, pinangunahan ng Boracay Special Tourists Police Office ang operasyon na dumampot kina Guntli at Buendia.

Kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Dangerous Drug Act of 2002 ang haharapin ng dalawang magkaibigan na kasalukuyang nakapiit sa Boracay PNP. (Jun N. Aguirre)

comments