Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » 2 witnesses laban kay De Lima inilipat

2 witnesses laban kay De Lima inilipat

18colangcopix-copy

Kinumpirma ng Bureau of Corrections kahapon na inilipat ang walong high-profile inmates sa Intelligence Service of the Armed Forces of the Philippines sa Camp Aguinaldo, Quezon City mula sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa City noong Huwebes.

Kinilala ng BuCor Public Information Office ang mga inilipat na sina convicted bank robber at drug lord Herbert Colango and convicted kidnapper Noel Martinez.

Sina Colangco at Martinez ay nakatakdang tumestigo sa imbestigasyon kay Sen. Leila M. de Lima ng House of Representatives ngayong linggo.

Ayon sa isang source, kasamang inilipat sina Joel Capones, Gerry Pepino, at dalawang may apilyedong Agojo and Patio.

Ang walo ay nakakulong sa Building 14 na kung saan nakapiit din ang mga iba pang high-profile prisoners.

Dinala muna sa NBP medium security camp ang walo bago sila dinala sa Camp Aguinaldo, ayon sa BuCor PIO.
(Jonathan M. Hicap)

comments