Home » News » News Roundup » New Roundup » Regional » 4 treasure hunters patay sa gas leak

4 treasure hunters patay sa gas leak

CARMONA, Cavite – Natagpuang patay ang apat na treasure hunters matapos makulong sa isang malalim na hukay sa Barangay Maduya.

Kinilala ni PO2 Gilbert Centeno ang mga biktima na sina Marino Deliguero Pojas, 51 anyos, anak nito na si Melmar Guilim Pojas, 26 anyos at parehong residente ng Letre Road sa Malabon City; Eugene Sabaldana Galicia, 51 anyos ng Biñan City, Laguna; at isang nagngangalang Paul Intes, 20 anyos.

Natunton ang apat matapos makahingi ng saklolo si Melvin Pojas, anak at kapatid ng namatay na mag-amang Pojas, matapos magkaroon ito ng malay sa lugar na kanilang hinuhukay noong Huwebes.

Ayon kay Melvin, umabot na ng 49 feet ang kanilang hukay kung saan naghahanap ang mga ito ng kayamanan.

Isa-isang nawalan ng malay ang mga treasure hunters dahil sa gas leak ngunit naka-rekober din si Melvin, dahilan para maireport ang pangyayari sa awtoridad.

“We cannot understand why the incident was reported to police only two days later,” ani Centeno. (Anthony Giron)

comments