Home » Entertainment » ‘I’m not afraid to take a drug test’ – Sid Lucero

‘I’m not afraid to take a drug test’ – Sid Lucero

By RUEL J. MENDOZA

Wala raw dapat na ikatakot si Sid Lucero kung sakaling ipa-drug test siya dahil two years na raw siyang tumigil sa paggamit ng mga pinagbabawal na droga.

Inamin ng Kapuso actor na naging user siya ng illegal drug na shabu noon. Pero matagal na raw iyon at malinis na raw ang sistema niya.

“I’m clean and I am not afraid. I can submit myself to a drug test anytime,” ngiti pa niya.

“Hindi ko naman dine-deny that I experimented on these illegal drugs. I will not deny that.

“Pero because of my family, may anak na ako and I love my career so much, kailangan wakasan na natin ang chapter na iyon ng buhay natin.
“Those were the dark periods of my life na ayaw ko nang balikan pa.

“I’m new and improved. Kaya if they want me to take a drug test, okey ako diyan. I have nothing to hide. I know that I will pass it with flying colors!”

Kung may makita man sa dugo ni Sid na may kinalaman sa drugs, ito ay ang pain killers na tine-take niya dahil sa naging operasyon niya sa kanyang tuhod noon.

“I got addicted to pain killers when I had an operation sa tuhod ko before. These are pharmaceutical injectable pain killers.

“Naging dependent ako doon and that somehow contributed sa kaguluhan ng buhay ko before.

“But I’ve kicked that habit na and I turned to sports. I took up Muay Thai and it helped keep my adrenalin going.

“I still take pain killers pero kapag kailangan ko lang. Unlike noon take lang ako nang take.

Pagkatapos ng kanyang kontrabida role sa Millionaire’s Wife, kontrabida siya ulit sa Alyas Robin Hood.

“Mas vicious and ambitious ako rito sa Alyas Robin Hood and it’s my first time to work with Dingdong Dantes in a teleserye.

“I get to do some action here kaya nagte-training din ako. Marami kaming fight scenes ni Dong kasi.”

Happy din ang lovelife ni Sid dahil may one year na sila ng kanyang girlfriend na si Annicka Dolonius. Nagsimula ang love affair nila noong gawin nila ang indie film na Apocalypse Child.

“It’s been good. We’re still together after almost a year and she keeps me grounded,” pagtapos pa ni Sid.

comments