Home » News » News Roundup » New Roundup » Metro News » Kagawad nabaril ang sarili

Kagawad nabaril ang sarili

Patay ang isang barangay kagawad nang aksidenteng niyang mabaril ang sarili habang nililinis niya ang kanyang baril sa loob ng silid tulugan sa Parañaque City noong Sabado.

Kinilala ni Senior Supt. Jose Carumba, city police chief, ang biktima na si John Aragon, 49, kagawad ng Barangay 169, Zone 69, ng Pasay City, at nakatira sa Unit-H No. 0012 LT., Santa Veronica, San Antonio Valley 1, Brgy. San Antonio, Parañaque City. Base sa paunang imbestigasyon, papatapos na ang paglilinis ng biktima ng kanyang .45-caliber pistol bandang 11:45 a.m. nang aksidente itong pumutok habang nakatapat sa kanyang dibdib ang baril.

Isinugod ang biktima ng kanyang asawa na si Maria Elena sa Unihealth Hospital ngunit patay na siya nang idating doon. Na-recover ng mga imbestigador sa lugar ng insidente ang baril ng biktima na kargado ng mga bala, baby oil, isang piraso ng tela at iba pang gamit sa paglilinis ng armas. (Martin A. Sadongdong)

comments