Home » Entertainment » Aktres, ayaw ng pang-hapon

Aktres, ayaw ng pang-hapon

Ayaw pala ng isang mahusay na aktres (MNA) gumawa ng afternoon drama series. Tinanggihan niya ang isang project na dapat sana’y pagsasamahan nila ng isang kakontemporaryo ng aktres.

Ayon sa source, primetime series ang gusto ng MNA. Matagal-tagal na ring hindi ito napapanood sa TV. Ang huling primetime series na ginawa ng MNA ay ilang episodes lang umere at nawala agad ‘yun. Hanggang ngayon, “nganga” pa rin sa project ang MNA.

Eh, hindi naman pang-bida role ang natotoka sa kanya dahil mas priority ngayon ng mga network na mga batang artista ang nagbibida sa teleserye. Support na lang ang MNA, choosy pa siya at ayaw ng afternoon prime series.

comments