Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Alden, pasok na

Alden, pasok na

29alden-copy-copy

Mamayang gabi na mapapanood si Alden Richards sa “Encantadia.” He plays Lakan, isang karakter ng Mulawin. Sino nga ba si Lakan? Ano’ng misteryo ang bumabalot sa kanyang katauhan?

Paano siya makakatulong sa mga sang’gre para mabawi sa kamay nina Pirena (Glaiza de Castro) at Hagorn (John Arcilla) ang kaharian ng Lireo? Paano matutulungan ni Lakan sina Danaya (Sanya Lopez) at Lira (Mikee Quintos) makabalik sa Encantadia?

Tutok lang sa mga kaganapan sa “Encantadia.” Guest role lang si Alden, pero two to three weeks siyang mapapanood sa naturang telefantasya ng GMA7.

Tuloy pa rin kaya?

Inaabangan kung matutuloy ang kasal ni Rufa Mae Quinto sa kanyang fiance’ na si Trevor Magallanes on November 25 this year. Seventeen weeks pregnant si Rufa sa kanilang first baby at gusto sana niyang sexy pa rin siya sa kanyang wedding gown paglakad niya papuntang altar.

Kaya lang, nauna siyang mabuntis bago siya ikasal and by November, malaki na ang kanyang tiyan. Malaki na ngang tingnan si Rufa sa exclusive interview sa kanya sa “Rated K” ni Korina Sanchez.

Ayon kay Rufa, parang siya ang nag-propose ng kasal kay Trevor. Hindi raw niya naintindihan ang sinabi nito sa kanya na in general, kapag nasa 30 something na ang isang babae, kailangan na nitong magpakasal. Inglisero kasi si Trevor.

Rufa is 38 years old, 29 naman si Trevor. Tinawagan daw niya ito at sinabi niyang gusto na niyang magpakasal. “Okey” lang daw ang isinagot ni Trevor. After one month, engaged na sila, kuwento ni Rufa.

Aniya pa, doubtful siya kung mabibigyan niya ng anak si Trevor dahil sa kanyang edad. Thankful si Rufa na nabuntis siya. Maselan ang pagbubuntis niya noong second month niya. Nag-spotting siya at na-hospitalized for four days.

Mag-o-ober da bakod?

“My Little Nanay” ang huling project ni Kris Bernal sa GMA7. Habang naghihintay siya ng panibago, abala muna si Kris sa kanyang business.

Kamakailan ay nag-soft opening ang kanyang “Meat Kris” eatery na matatagpuan somewhere sa QC. Yummy burgers ang isine-serve na ani Kris, naubusan pa siya ng patties at buns sa rami ng orders. Open ito daily hanggang 12 midnight.

May tsikang diumano’y balak ni Kris mag-ober da bakod dahil walang project na maibigay sa kanya ang Kapuso Network.

Reunited

Reunited sina Kristoffer Martin at Joyce Ching sa isang upcoming drama series ng GMA7. Mature roles na ang gagampanan nila, since nasa early 20’s na naman silang dalawa.

Huling nagkasama sina Kristoffer at Joyce sa “Because of You” nina Carla Abellana at Gabby Concepcion. Ani Kristoffer, happy siya na magkakatrabaho sila muli ni Joyce. Wala na silang ilangan at komportable na sila sa isa’t isa.

Hindi nagbago ang pagtingin nila sa isa’t isa since they broke-up. Nananatili silang good friends. Just curious, together pa rin kaya si Kristoffer and his non-showbiz girlfriend? Eh, si Joyce kaya, single pa?

comments