Home » News » News Roundup » Lalaki dinukot, pinatay

Lalaki dinukot, pinatay

Nakabalot ng packaging tape ang mukha, nakatali ang mga kamay at paa ng isang 49-taong gulang na lalaki nang matagpuan siyang patay sa McArthur Bridge sa Ermita, Manila, noong Martes ng gabi, walong oras matapos na dukutin siya at ang kanyang asawa ng apat na hindi kilalang lalaki sa Sampaloc district.

Nawawala pa rin hanggang kahapon ang babae. Base sa police report, nakilala ang biktima na si Laogan Kamir, 49, ng Sampaloc, Manila, sa pamamagitan ng identification card na natagpuan sa kanyang katawan.

Ayon sa police, nadiskubre ang katawan ng lalaki bandang 11 p.m. sa Arroceros extension kanto ng McArthur Bridge.

Nauna rito, ini-report ng pamilya ni Kamir na apat na lalaki ang dumukot sa mag-asawa sa Sampaloc bandang 3 p.m. nitong Martes.

Nakapulupot pa sa leeg ng biktima ang aluminum wire na ginamit sa pagbigti sa kanya nang matagpuan ang kanyang bangkay, ayon sa mga imbestigador.

Nakasabit sa kanyang leeg ang isang cardboard na may nakasulat na “Kage Lao drug lord ng Mindanao sunod ka na”. (Betheena Kae Unite)

comments