Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Rocco, inspirasyon si Hidilyn

Rocco, inspirasyon si Hidilyn

rocco-nacino-4-copy-copy

May bagong inspirasyon ngayon si Rocco Nacino. Ang 2016 Olympics Silver medallist na si Hidilyn Diaz. Anang Kapuso actor at “Encantadia” star, matapos niyang makausap si Hidilyn at nalaman niya ang istorya ng achievements nito sa nakaraang Olympics, nagkaroon siya ng sudden feeling o desire na ma-achieve rin niya ang isinet niyang goals sa buhay niya years before.

Ayon kay Rocco, nagsilbing motivation sa kanya ang panalo ni Hidilyn para mag-pursige siya na ma-achieve ang goals niya.

Samantala, enjoy-enjoy lang si Rocco sa pagiging single matapos silang mag-break ni Lovi Poe. Focused muna siya sa kanyang career at busy-bisihan siya sa taping ng “Encantadia” where he plays Aquil.

May mga nagsasabing bagay daw sila ni Sanya Lopez who plays Danaya sa naturang telefantasya ng GMA7. Ani Rocco, huwag daw silang pangunahan.

Manood kaya si Sanya ng “Oh, Boy!” concert ni Rocco this Friday sa Music Museum? Kasama niya rito sina Jake Vargas, Aljur Abrenica at Derrick Monasterio with Julie Anne San Jose as special guest.

Excited

Excited na si Alex Gonzaga maging tita. In a few more weeks ay manganganak na ang kanyang ate Toni (Gonzaga-Soriano).

Baby boy ito na ayon pa kay Alex, hinihimas-himas niya ang tiyan ng kanyang ate Toni.

Pero pinagbabawalan siya ng kanyang ate dahil makakasama raw ‘yun sa baby. “Kinakantahan ko na lang siya (baby),” sabi ni Alex kay Boy Abunda noong nag-guest siya sa “Tonight with Boy Abunda.”

Kasama ni Alex ang leading man niyang si Joseph Marco na tinanong ni Boy kung nanliligaw ba ito sa kanya? Sabi ni Joseph, nagparamdam siya noon kay Alex. Pero mukhang hindi ‘yun naramdaman ng dalaga. Ani Alex, ayaw niya kasing mag-assume.

Anyway, they look good together. Opposite personalities lang sila. Quiet type at pa-misteryoso effect si Joseph, madaldal at kikay naman si Alex. Sabagay opposite poles attract.

Showing sa September 28 ang “My Rebound Girl.”

Guessing game pa rin

Kahit may pahayag si Malou Santos ng Star Cinema na for now ay si Angel Locsin pa rin ang nasa isip nila na paganapin bilang Darna sa movie version nito, may tsika na diumano, may iba pang Kapamilya stars ang pinagpipilian.

Isa na rito diumano si Liza Soberano. May pahayag si Angel na magaling na siya at pwede na uling sirain ang kanyang likod. Wala pang kumpirmasyon kung sino talaga ang gaganap bilang Darna. Guessing game pa rin.

Sa isang interbyu kay Congresswoman Vilma Santos-Recto, sakaling si Angel ang final choice bilang Darna, aprub siya at suportado niya ang ex-girlfriend ng anak niyang si Luis Manzano. Kahit break na ang dalawa, nananatiling maganda ang relasyon ni Angel sa mommy ni Luis. Once in a while ay nag-te-text pa rin sa isa’t isa sina Angel at Cong. Vilma.

Kakaibang experience

This Sunday na ang pilot telecast ng “Usapang Real Love” (URL) na tatampukan nina Miguel Tanfelix at Bianca Umali.

Hindi lang kilig ang hatid ng GMA Network sa viewers, kundi one-of-a kind experience.

comments