Home » News » News Roundup » Tulak-droga dedo sa drug bust

Tulak-droga dedo sa drug bust

Isang hinihinalang tulak-droga ang napatay ng isang pulis sa kasagsagan ng buy-bust operation kahapon ng umaga sa Sta. Ana, Manila.

Kinilala ng police ang napatay na si Alfredo Barabas, 52. Base sa inisyal na imbestigasyon, nagsagawa ng buy-bust operation ang anti-illegal drugs unit ng Sta. Ana Police laban kay Barabas sa ilalim ng South Superhighway Bridge sa Osmeña Highway, Paco district, bandang 12:30 a.m.

Si PO1 Efren Sabulao ang nagpanggap na bibili ng P200 halaga ng shabu mula kay Barabas. Ngunit bago matapos ang transaksyon, natunugan ni Barabas na pulis pala ang kanyang kliyente.

Nasa aktong bumubunot ng baril si Barabas nang mabilis na kumilos si PO1 Sabulao at pinaputukan ng ilang beses ang suspek.

Ayon kay PO3 Dennis Turla, imbestigador ng Manila Police District homicide section, isinugod ang suspek sa Sta. Ana Hospital ngunit binawian siya ng buhay dakong 1 p.m. (Analou de Vera)

comments