Home » News » News Roundup » New Roundup » Regional » Apat na tao nalunod

Apat na tao nalunod

STA. BARBARA, Pangasinan – Apat katao ang nalunod sa tatlong magkahiwalay na pangyayari sa lalawigan ng Pangasinan at Isabela kamakailan. Dalawa sa biktima ay namatay sa Sinuculan River, ayon kay PCI Rex Infante ng Sta. Barbara Police.

Sila ay kinilalang sina Juvilyn Benitez, 24, at ang kanyang anak na si Jovan, Grade 2 pupil ng East Central Elementary School.

Samantala, sa Bolinao, nalunod sa Tara Falls si Carl Robin Mejia, 18. Tumatawid ang biktima kasama ang dalawa niyang pinsan nang maganap ang aksidente mga 4:10 p.m.

Sa Ilagan City, Isabela, nalunod si Gabino Noriega, 74, sa Pinacanauan River. (Liezle Basa Iñigo)

comments