Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Kim Chiu clueless sa reunion with Gerald

Kim Chiu clueless sa reunion with Gerald

derek-copy-copy

Itinanggi ni Kim Chiu na muli silang magtatambal ni Gerald Anderson sa isang TV project ng ABS-CBN. Aniya sa isang interbyu, hindi niya alam kung saan nanggaling ang balita.

Agad nag-react ang KimXi fans nina Kim at Xian Lim. Na-bash si Kim at kung anu-ano’ng akusasyon ang ibinato sa kanya.

Pumalag din ang fans nina Bea Alonzo at Gerald sa pag-aakalang baka maagaw ni Kim si Gerald kay Bea.

Marami ang pabor na magkabalikan (hindi pa ba?) sina Bea at Gerald. Kay Xian na lang daw si Kim. Naudlot ang pagkakamabutihan noon nina Gerald at Bea dahil kainitan ng love team noon nina Gerald at Kim.

This time, mukhang tuluy-tuloy na ang “something” kina Bea at Gerald. Madalas ang sightings sa kanila kung saan-saan.

Best actor

Congratulations kay John Arcilla sa panalo niya bilang best actor sa katatapos na 34th Luna Awards. Wagi ang “Encantadia” star sa performance niya bilang General Antonio Luna sa pelikulang “Heneral Luna.”

Isa sa mga tuwang-tuwa sa panalo ni John ay si Glaiza de Castro na katrabaho niya sa “Encantadia.” Mag-ama ang ginagampanan nila sa naturang telefantasya ng GMA7. Si John ay pumapapel bilang Hagorn at Pirena naman si Glaiza.

Nagsanib-puwersa na sila sa “Encantadia” na si Pirena na ang itinuturing na bagong reyna ng Lireo.

Sa pagpasok ni Alden Richards sa “Encantadia” bilang Lakan, matutulungan niya si Amihan (Kylie Padilla) na makabalik sa mundo ng Encantadia.

Namulot ng mga basura

Ayon kay Jennylyn Mercado, may napili nang leading man niya sa “My Love from the Star.” Pero ayaw niyang banggitin kung sino at hintayin na lang daw na ang GMA7 ang mag-announce.

Ayon pa kay Jen, nakita na niya ang makakapareha niya sa naturang Pilipino adaptation ng Koreanovela. Moreno ito, ayon sa Kapuso actress.

Samantala, magkasama kamakailan sina Jen at Dennis Trillo sa Anilao, Batangas. Hindi lang sila nag-scuba diving, kundi nag-volunteer pa sila na mamulot ng mga basura sa baybaying dagat, kasama ang ilang volunteer divers.

Bumalik kaya?

Bumalik kaya sa ABS-CBN si Derek Ramsay, gaya ng ginawa nina Aga Muhlach, Sharon Cuneta, Amy Perez at iba pa niyang dating kasamahan sa TV5? Balitang inalis na ang local entertainment programs sa Kapatid Network sa ilalim ng bagong namamahala nito na si Mr. Chot Reyes.

Si Gelli de Belen na dating taga-TV5 ay nasa ABS-CBN na rin at may bagong teleserye. Kapamilya na rin si Vin Abrenica na produkto ng Artista Academy ng TV5. Nasa ABS-CBN na rin sina Ritz Azul at Meg Imperial. What about Eula Caballero, kunin na rin kaya siya ng ABS-CBN?

Si Mark Neumann ay lumabas naman sa isang programa ng GMA7. Nag-expire na ang kontrata ni Ogie Alcasid sa TV5, pero hindi pa siya makapag-desisyon kung saang network siya lilipat. What about Janno Gibbs? Bumalik kaya siya sa GMA7?

Matatandaang nagkaroon ng falling-out si Derek at ang ABS-CBN noong lumipat siya sa TV5.

Ano na nga ba ang pinagkaka-abalahan ni Derek ngayon? Nasaan na siya?

comments