Home » Entertainment » Teen actress looks up to Jaclyn Jose and Cherie Gil

Teen actress looks up to Jaclyn Jose and Cherie Gil

Gustong sundan ng 16-year old Kapuso teen actress na si Lindsay de Vera ang career path ng mga award-winning actresses na sina Jaclyn Jose and Cherie Gil.

Parehong co-stars ni Lindsay ang dalawa sa primetime teleseryeng GMA-7 na “Alyas Robin Hood.”

“Just like Tita Jane and Tita Cherie, I wish to leave a mark in showbiz.

“’Yung habang bata pa ako, makikilala ako as this actress na kayang gawin ang kahit na anong role. “I want to be like them someday. ’Yung mananalo rin ako ng maraming acting awards,” diin pa niya.

Born Lindt Johnston to a British father and Filipino mother, nagsimula si Lindsay bilang child actress sa edad na 8 at una siyang lumabas sa Krismas-seryeng GMA-7 na “Jillian: Namamasko Po” na pinagbidahan noon ni Jillian Ward.

Sunod siyang napanood sa ibang shows ng Kapuso network tulad ng “Jollitown,” “Cielo de Angelina” at “Second Chances.”

Nakagawa rin siya ng mara-ming TV commercials tulad ng Jollibee, Baby Flo, Rebisco, Selecta, Lipps Candy at Milo.

Hinirang din si Lindsay bilang Miss Teen Pangasinan 2015.

Lindsay just graduated high school in Manaog, Pangasinan at nasa plano niya ang pumasok ng college.

“I come from a family of doctors kaya gusto ko pong maging pediatrician.

Bini-build up bilang future leading lady si Lindsay at isa sa gusto niyang maging leading man in the future ay ang bida ng “Alyas Robin Hood” na si Dingdong Dantes. (Ruel J. Mendoza)

comments