Home » News » News Roundup » 2 lalaki patay sa Cavite clashes

2 lalaki patay sa Cavite clashes

CAMP GEN. PANTALEON GARCIA, IMUS, Cavite – Patay ang isang hinihinalang magnanakaw at isang drug suspect nang manlaban sa mga pulis sa magkahiwalay na operasyon kontra droga sa Bacoor City at bayan ng Rosario noong nakaraang Miyerkules, pahayag ng Police Provincial Office (PPO) kahapon.

Kinilala ng PPO ang mga napatay na sina Lordan Pakingan Apolonio, 31, residente ng Sitio Centro Longos, Barangay Zapote V, Bacoor City; at Conrado de la Pena Badillo, 32, ng Sun Flower Street, Barangay Bagbag II, Rosario.
(Anthony Giron)

comments