Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Miguel, Bianca kakaiba ang relasyon

Miguel, Bianca kakaiba ang relasyon

24miguel-and-bianca-copy-copy

Na taon sa 18th birthday (September 21) ni Miguel Tanfelix ang presscon ng “Usapang Real Love (URL),” first-ever interactive rom-com series nila ni Bianca Umali, kaya kinantahan siya ng “Happy Birthday.”

Ani Miguel, magandang birthday gift sa kanya ang bago niyang show sa GMA7 at happy siya na si Bianca ang kasama niya.

Nag-advance birthday celebration na si Miguel noong Linggo (Sept. 18) na ginanap sa bahay nila sa Cavite with his family, some close friends and of course, Bianca.

Ayaw sabihin ni Bianca kung ano’ng birthday gift niya kay Miguel. Abangan na lang daw sa Instagram. Birthday gift ni Miguel sa kanyang sarili ay one-week vacation sa Singapore. Aalis siya on Monday (Sept.26).

Wala pa ring label ang namamagitang relasyon between him and Bianca, ayon kay Miguel. “More than friends, less than lovers. Basta nagkakaintindihan kami. Kapag 18 na siya at saka ko siya liligawan. Loyal ako,” saad ni Miguel.

BF material

Sixteen years old pa lang si Bianca Umali, kaya ayaw pa niyang magpaligaw. Aniya, kapag 18 na siya at handa na siyang magka-boyfriend, posibleng si Miguel ang piliin niya. “Sobrang komportable na kami sa isa’t isa. Kilalang-kilala na namin ang isa’t isa. Nagsasabihan kami ng mga problema at sikreto. Na kay Miguel ang mga katangiang hinahanap ng isang babae para maging boyfriend niya,” wika ni Bianca.

Aniya pa, parang pamilya na ang turingan nila ni Miguel. Kapag lumalabas sila, kasama nila ang kanilang respective families.

Thankful sila sa GMA na muli silang pinagsama sa “Usapang Real Love.” Ang love team nila ang unang tampok sa four episodes ng extra-ordinary mini-series na ito na magsisimula ngayong Linggo (Sept.25) at 4:45 pm after GMA Blockbusters. Pinamagatang “Dream Date,” tampok din sina Jak Roberto, Yayo Aguila, Lloyd Samartino, Jade Lopez at Gene Padilla.

Itatampok sa URL ang mga kakaibang kuwentong pag-ibig na pagbibidahan ng iba’t ibang Kapuso love teams na ang bawat istorya ay ipapalabas sa apat na weekly episodes.

Bollywood stars pa more!

Successful ang ginawang mall show sa SM Megamall ng Bollywood stars na sina Kunal Kapoor at Amyra Dastur para sa promotion ng Zee Sine na napapanood sa Channel 19 ng Cignal TV. Filipino adaptations ng Indonesian o Bollywood movies ang ipinapalabas sa “Zee Sine Bollywood na Tayo!”

Request ng viewers sa management ng Cignal VP/Head of Channels at Zee Sine na mag-imbita ng iba pang Bollywood stars na may pelikulang ipapalabas sa Cignal TV.

comments