Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Alma tanggap si Mark

Alma tanggap si Mark

alma-moreno-copy-copy

Ibabalik ang karakter ni Miguel Tanfelix bilang Pagaspas sa “Encantadia.” Magsasanib-puwersa sila ni Alden Richards na gumaganap naman bilang Lakan. Pareho silang Mulawin at tutulungan nila ang mga sang’gre sa pakikipaglaban kina Pirena (Glaiza de Castro) at Hagorn (John Arcilla).

Nag-trending worldwide ang paglabas ni Alden sa naturang telefantasya ng GMA. Aniya, dream come true na naging bahagi siya nito. Ayaw nga niyang hubarin ang kanyang costume kahit break time nila sa set.

Patuloy namamayagpag ang “Encantadia” sa nationwide NUTAM ratings ng Nielsen sa Urban Luzon at Mega Manila.

Kinaaaliwan at kinagigiliwan naman ang chubby child star na si Yuan Francisco na gumaganap bilang Paopao.

Tagapangalaga siya ng ikalimang brilyanteng Encantadia. Nagtataglay din ito ng kapangyarihan.

Hubadero

Happy at proud si Jak Roberto sa younger sister niyang si Sanya Lopez who plays Danaya sa “Encantadia.” Kung noon ay bina-bash si Sanya at “the who”? ang tawag sa kanya, napapansin at pinupuri na ang kanyang acting sa naturang telefantasya.

Si Jak naman ay unti-unti nang napapansin sa showbiz. Nagsimula siya sa “Walang Tulugan with the Master Showman” at aniya, malaki ang utang na loob niya sa yumaong German “Kuya Germs” Moreno sa pagkakataong ibinigay nito sa kanya.

Hot commodity ngayon ang abs ni Jak. Bentang-benta sa netizens ang kanyang sexy Instagram post. Most viewed ito with more than 104,000 views at 500 comments.

Madalas nakahubad si Jak sa mga nilalabasan niyang GMA shows, kaya biniro siya ng entertainment writers noong presscon ng “Usapang Real Love (URL)” na lalaking hubadero siya. Hindi naman siya napikon na aniya, no choice siya dahil ‘yun ang ipinapagawa sa kanya.

Third wheel si Jak sa URL at love triangle sila nina Miguel Tanfelix at Bianca Umali sa four episodes ng “Dream Date” na magsisimula mamayang 5 pm after GMA Blockbusters. May hubad na eksena kaya si Jak?

Walang tutol

Tanggap ni Alma Moreno ang relasyon ng anak niyang si Winwyn Marquez kay Mark Herras. Pero sana raw ay huwag munang magpakasal ang dalawa dahil bata pa si Winwyn at marami pa itong gustong gawin.

Naipakilala na ni Winwyn si Mark kay Alma. Sumama pa siya sa campaign sorties ng huli noong nakaraang May elections.

Natalo nga lang sa kanyang senatorial bid si Alma.

Ayon naman kay Joey Marquez, kapag desidido nang magpakasal sina Mark at Winwyn, saka ipakilala sa kanya si Mark.

Wala rin siyang tutol, if ever.

comments