Home » News » News Roundup » Dating bilanggo pinatay

Dating bilanggo pinatay

Isang dating bilanggo at binaril at pinatay ng dalawang suspek na nakasakay ng motorsiklo noong Biyernes sa Pasay City.

Kinilala ng mga pulis ang biktima na si Jaime Colacito, 50, walang trabaho, at residente ng Ventanilla St., Barangay 124.

Ayon kay Chief Insp. Rolando Baula, hepe ng Pasay Police Station Investigation and Detective Management Branch, nakatayo ang biktima malapit sa kanyang bahay kasama ang kapitbahay ng dumating ang mga suspek.

Bumaba ang isa sa kanila at pinagbabaril ang biktima. Nagtamo ng apat na tama ng bala sa katawan ang biktima na kaagad nitong ikinamatay. (Martin A. Sadongdong)

comments