Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Parking building nasunog

Parking building nasunog

25firepix-copy

Tinatayang nasa P10 million halaga ng ari-arian ang natupok sa sunog sa parking building sa Cubao, Quezon City kahapon ng umaga.Ayon sa imbestigasyon ng Quezon City Bureau of Fire Protection, nagsimula ang sunog pagkaraan ng mga pagsabog sa basement ng the south garage parking building sa McArthur Ave. sa Araneta Center, Barangay Socorro.

Sinabi ni Quezon City Fire Marshal Senior Supt. Jesus Fernandez na maaaring overcharged na electronic shuttle ang dahilan ng sunog.

Napagalamang mga electronic shuttles na umiikot at naghahatid ng mga customers sa mga malls sa Araneta Center ang nakaparada sa gusali.

Labintatlong electronic shuttles ang nakaparada sa gusali at lahat ng mga ito ay nagtamo ng pinsala, sinabi ni Fernandez.

Walang naiulat na namatay o nasaktan sa sunog na umabot sa second alarm. Inaalam pa ng mga arson investigators ang sanhi ng sunog. (Vanne Elaine P. Terrazola)

comments